Ang Aking Karanasan na Hindi ko Malilimutan
Ang Aking Karanasan na Hindi ko Malilimutan
Sa buong buhay ko marami na akong naranasang masasaya at malulungkot,bighati hirap at sakit, pero ang aking karanasan na hindi ko malilimutan ay noong bata pa ako ang aking ama ay mapanakit na klase padre de pamilya pero kahit ganoon paman mahal na mahal namin ang ang aming ama. Lumakit kaming magkakapatid na kinakatakotan namin ang sarili naming ama dahil siya ay mapanakit peru bilib kami sa aming ama dahil sya ay natatrabaho sa aming lupain para makatapos kami sa pag-aaral. Noong bata pa kami ang aming katawan ay puno nang pasa at dugo dahil ang ang aming ama ay mapanakit pag lumabag ka sa kautusan nya tiyak masasaktan ka ang aming ama ay gumawa nang sarili naming gawain ilan sa aking mga kapatid na lalaki ay katuwang nya sa pagtatrabaho sa aming lupain yung iba nmn ay sa bahay ang gawain dahil ako ang bunso wala akong gawain sa bahay dahil ako ay maysakit sa puso. Isang araw maaga pang pumunta ang aking ama at mga kapatid para mag trabaho sa aming lupain kami nang nanay ko ay nasa bahay lamang naglilinis at nag hahanda ng pagkain para sa pagdating nang aking ama at mga kapatid galing sa trabaho, magkasama kaming mag kapamilya sa pagkain, ako naman ay nag boluntaryo na mag hugas nang pinggan dahil mataas ang aming hugasan ay nahihirapan akung mag hugas at mag abot nang plato at baso, ay hindi ko man sina sadyang mabitawan ang baso ay pinagalitan ako nang aking ama at nag away sila ni nanay kasi pinaghugas ako na hindi kopa kaya, nag away silang dalawa at kumuha ang aking ama nang sinturon at ako ay pinalo iniligtas ako ni nanay siya ang nagsilbing pang harang ko sa palo ni papa sariwa pa sa aking isipan kung paanu manakit ang aking ama, sinalo lahat ni nanay lahat nang palo ni papa sa akin kaya si nanay ang nahihirapan nakita ko sa katawan ni nanay ang haba nang latay nang sinturon na pinalo ni papa wala naring nagawa ang aking nga kapatid para kami ay ipagtanggol ni nanay dahil sila rin ay madadamay kaya sa mga panahun nayun ay aking napag isip isipan na magtanim ako nag galit sa aking ama dahil kahit bata pa ako ay wala siyang dalawang isip na hindi ako'y saktan. Hanggang sa paglaki ko marami pang sakit ang aking naransan sa kamay nang aking ama at si nanay lahat nang sumalo at hindi rin nag tagal ay sinasaktan nadin nya si nanay kaya umabot na kami sa panahong kailangan nang ipa kulong ni nanay si papa pursigido na talaga si nanay dahil subrang mapanakit na ang aming ama dahil ako ay bunso ang aking mga kapatid ay may trabaho na ako nalng ang magpapatunay na mapanakit ang aming ama sa mga panahon na iyon ay gusto ko ring makulong ang aking ama peru aking napag tanto tanto at nagbabasakaling magbago ang aming ama kaya hindi ako sumang ayon saking nanay na ipakulong ang aking ama dahil hindi ko gusto na mag ka watak watak ang aming pamilya kaya kahit ganoon paman patuloy parin ang pananakit nang aming ama samin ni mama kaya sa tuwing kami ay saktan ni tatay ay sinasabihan ko si mama na sige lng intindihan lng natin si papa pagod lng yan sa trabaho sa ating lupain kahit gusto ko nang matigil ang pananakit ni tatay sa amin ay hindi ko piniling siya ay ikulong dahila na isip ko na pagod sya parati sa trabaho para siya ay makatulong sa amin at kami ay mapa kain kaya sa tuwing ako ay sinasaktan ni tatay ay iniisip ko nalang na pagbutihin ang aking pag-aaral para sa kanilang dalawa ni nanay. Yun ang aking karanasan na hindi ko malilimutan sa talangbuhay ko.
Comments
Post a Comment